start your own blog now!
 
Read other blogs...

bathatula

"madilim ang panahon nang ako'y isilang kaya ang tula'y ginagawang tanglaw sa daraanan"

Wednesday, 17 October 2007

Wag po Koyang!

Kagabi, muli kong narinig ang tinig ng makata, kompositor at mang-aawit na matagal ko nang hindi narinig sa loob ng mahabang panahon. Napakapamilyar niyon sa aking pandinig, parang ibinabalik ako sa isang espasyong napakakakaiba. Napakasining!

Si Jess Santiago o Koyang sa kanyang mga kaibigan, kakilala't taga-hanga, ang may-ari ng tinig.

Ilang beses na tumayo ang mga balahibo ko sa pakikinig sa kanyang awit. Awit ng pakikibaka, pag-ibig at saloobin ng karaniwang Pinoy. At parang balong sa pilapil na hindi mapigilan, dumaloy ang mga alaala.  

Sumasagi sa puso't utak ang bawat kalabit ng kanyang daliri sa kwerdas; alaala ng iniwang nayon, alaala ng pag--iisa. Lumbay at kasiyahan. Sa iba't-ibang paraan. Minsan siya'y nagpapatawa sa kanta, naglalaro ng tunog sa mga pamilyar na bagay sa pang-araw-araw na buhay. Natatawa ako pero tumitimo sa puso ang mensahe. Yun bang parang nangingiti ka dahil nagpapatawa siya pero gusto mong yumuko, (dahil siguro may nais kang itago) dahil tinamaan ka. Sapul.

Ang awit ni Koyang ay tunay na awit. Nanggagaling sa puso. Tiyak rin namang pinag-isipan dahil hindi nagsalansan lamang ng "pumpon ng mga salita". Sa madaling salita'y matulain.

Kaya wag po, Koyang. Wag kang magasawang awitin ang aming awit! Salamat.     

posted by: bathatula at 06:40 | link | comments |

 

About me

Blogger:
Name: soliman agulto santos

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Recent comments

Mo'nonymous on Kung Ako’y Lim...

 

Counter

visited *loading* times