start your own blog now!
 
Read other blogs...

bathatula

"madilim ang panahon nang ako'y isilang kaya ang tula'y ginagawang tanglaw sa daraanan"

Wednesday, 26 September 2007

2 tulang torpe


Sembreak


Matatapos na ang Oktubre
at panis na ang aking laway.
 
Sayang.

Nanghihinayang ako
pagkat hindi man lamang nito
nakuhang tumilamsik
sa tuyong armchair
ng iyong upuan. 




Kidlat

(Halaw kay Anon) 

Ika’y katulad ng kidlat,
gumuguhit sa dilim ng kalangitan:
kapag kita’y nakikita, ako’y nasisindak,
kapag hindi, ako’y nalulumbay. 

 
             

posted by: bathatula at 14:40 | link | comments (2) |

 

About me

Blogger:
Name: soliman agulto santos

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Recent comments

Mo'nonymous on Kung Ako’y Lim...

 

Counter

visited *loading* times