"madilim ang panahon nang ako'y isilang kaya ang tula'y ginagawang tanglaw sa daraanan"
Dalawang dekada ng musika
ni Bobby Balingit
Sa ayaw at sa gusto natin, nandiyan pa rin ang Wuds. Sinong makakalimot sa kantang At Nakalimutan ang Diyos na pumutok sa radyo noong bandang dekada ’90? Bukod rito, nakaikot na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Wuds, naiimbitahan sa mga tugtugan.
“Yung buong pamilya niya, lampas din. Sinasampal siya ng asawa niya tapos wala lang. yung nanay niya minsan tinanong si Lito, Anak, saan kukuha ng Tubig? magkakatitigan sila. Matagal, tapos sasabihin ni Lito, sa gripo. Aalis na nayung nanay niya nun.”
“Malaki ang impluwensiya ni Lito sa akin. Talagang idol. Naging barkada namin siya. Nung minsang mageeksibit siya, pinag-perform niya kami. Nung nagpapraktis kami, maghapon kaming nagtalo kung saan kami papasok pagdating namin sa eksibit, e parisukat lang naman yung lugar. Tapos nakita niya yung bintana, mas maganda raw kung dun kami manggagaling. Inakyat niya ang bintana at saka tumalon. Pagbagsak niya, bali ang buto sa paa. Sinubukan niya talaga kung pwedeng dun kami manggaling. Kinabukasan sa eksibit niya, nakasaklay na siya.”
Naging malapit ang Wuds kay Lito. Siya nga dapat ang magma-manage sa banda. Nung araw na nakatakdang mag-usap para sa banda, hindi dumating si Lito. Nagtaka sila.Yun pala patay na siya. Wala na, hindi na natuloy yung plano.
Mga unang kanta“Kami, wala naman kaming alam kung paano ang sistema sa rekording. Tinanong namin kung paano kami kikita. Parang nagalit si Heber. Noon din nagpirmahan kami ng kontrata. Babayaran kami ng P11,000.00. Ibig sabihin, paghahatian namin yung P11,000.00 kasama pa yung ibang mga sesyonista namin. Magkano na lang ang matitira sa amin? Ganon ang naging problema. Pero ok na sa amin yon. Tapos na,” paliwanag ni Bobby.
Bago ito, nakapagrekord na sila. Pero naloko rin daw sila. Palibahasa wala daw naman silang alam sa rekording noon. Panahon noon ng underground music. Mga punk band tulad ng Philippine Violators, Urban Bandits at iba pa. Tape pa ang uso noon, wala pang CD. “Wala naman kaming pinirmahang kontrata. Kaya hindi namin alam kung ilang kopya ang inilabas nila. Ang lumalabas, parang utang na loob pa namin sa record company na nailabas yung album namin. Wala kaming napala. Wala kaming nakuha sa pinaghirapan namin,” ani Bobby.
Sistema ng rekording sa bansa
“Iba kasi dito sa atin. Unang-una, napakahirap sa mga musikerong may kakaibang gustong sabihin ang pumasok sa industriya. Halimbawa, kung makabayan ka, walang susuporta sa iyo. Samantalang yung mga kantang walang gustong sabihin na hindi mo naman maintindihan, gustung-gustong iparinig sa mga radyo. Ito rin ang pinapatulan ng mga record company kasi ito ang kumikita.
“Pero bukod doon, marami akong ginagawa. Noong mga nauna, kahit ako lang mag-isa sumasama ko sa mga NGO (non government organization). Dati, na-involved ako sa mga kampanyang anti-droga. Pumupunta kami sa mga baryo-baryo. May mga seminar tapos ako kakanta naman. Parang pansingit lang. Kaskas ako nang kaskas sa entablado hindi ko alam kung may nakikinig. Minsan mga matatanda yung nanonood. Nakatugtog pa nga ako sa bilangguan. Parang specimen ako. Kasi nalulong din ako sa droga noon.”
Pumasok din siya sa teatro. May isang dula na sinalihan siya. Umarte siya doon. Yung Lapu-lapu na idinirek ni Behn Cervantes.
“Tapos nun, nagtayo naman ako ng grupo. Multi-media. May painting, installation art, may tumutula tapos may kumakanta. Kakaiba din yun kasi pagpasok mo pa lang sa venue, may mga painting na nakasabit, may tumutula tapos yun nga may kumakanta. Nag-imbita ako ng mga artists. Pinuntahan ko pa sila sa isang bar noon tapos ako mismo ang nag-abot ng imbitasyon. Nung concert/exibit na, si Dong Abay lang ang pumunta. Kahit yata sa mga kapwa artista, hindi ako nakakuha ng suporta.”
Sa ngayon, nakikipagtulungan siya sa ibang artists. May grupo sila, yung ARREST GLORIA. Isang grupo ito ng mga manunulat, pintor, manganganta at iba pa na ayaw na kay Gloria. “Para kasing ayaw ko nang kumilos nang mag-isa,” pakli no Bobby. “Mas maganda yata ang may katuwang. May nagawa na kaming isang kanta. Kolektibo ito. Sinulat ng mga manunulat tapos nilapatan namin ng musika. Nasa internet na yata ito ngayon,” dagdag niya
Kapag may mga gig o mini concert na anti-GMA, sumasama sila Bobby. Kakaiba daw talaga itong si Gloria. “Mayaman na nga, gusto pang magpayaman. Walang kasiyahan. Ganyan yata ang lahat ng pulitiko,” ayon pa sa kanya.
Sa ngayon, nagtuturo siya ng patugtog ng gitara. Tutorial. Kahit ano, classical, jazz, blues, rock at iba pa.
boy bagwis
darius
ilang-ilang
jason
kc ang
kenneth
kerko
len olea
makis
mykel andrada
noel barlecona
pogi
today
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
July 2007
March 2007
October 2006
July 2006
June 2006
April 2006
March 2006
October 2005
September 2005
August 2005
visited *loading* times